“I love you! Nag bago na ako! hindi ko na uulitin mga kasalanan ko sayo. Sorry. ikaw ang buhay ko hindi ko kaya mawala ka sakin. ikaw lahat para sakin. Ikaw ang pinaka magandang blessing na nakuha ko.isa pang pag kakataon please? one last shot!sobrang takot lang ako.sigurado akong iba na ako, promise. Di ako masaya pag wala ka. sobrang babwi ako sayo!”
Mga salitang humihingi ng tawad sa isang ka relasyon na sobrang nasaktan. Tama na ba to? Mapapatawad ka na ba sa ganito? Satingin ko hindi pa. Sinira mo tiwala nya kaya kulang pa lahat ng salitang yan para maging okay kayo. kulang pa na lumuhod ka sa harap nya. Kulang pa yan na dapat ibalik mo ang nakaraan para mabago mo lahat ng kasalanan mo. Sobrang humingi ng sorry, pero sobrang dali naman gumawa ng kasalanan at manira ng tiwala.
satingin ko kulang a tong pag gawa ko nito para mapatawad mo ako. Sorry Carla.








